
Ipinasara ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang care facility na pag-aari ng vlogger na si Benjie Perillo o mas kilala sa tawag na BenchTV.
Nakilala ang Bench TV sa content na pagsagip sa mga batang napabayaan iba pang indibidwal na walang kumakalinga kung saan dinadala niya sila sa kaniyang care facility.
Ayon sa DSWD, walang kaukulang lisensya sa pag-o-operate ng naturang care facility ang Bench TV matapos ang isinagawang site inspection ng mga tauhan ng Standards Bureau sa Barangay Landayan, San Pedro, Laguna.
Nasagip ng ahensya ang abot sa 12 indibidwal na nangangailangan ng care at intervention, kabilang na ang dalawang menor de edad.
Ang mga sinagip na beneficiaries ay inasistihan ng DSWD upang tuloy-tuloy na mahatiran ng kaukulang serbisyo.
Nangako naman ang DSWD na pagkakalooban ng technical assistance ang BenchTV para makatugon sa mga proseso at requirements.
Tiniyak naman ng ahensya na bibigyan ng Certificate of Registration at License to Operate ang naturang care facility kung makakatugon sa requirements










