CARE TAKER NA LOLO, NAGBIGTI SA MINANTE 1

CAUAYAN CITY- Wala nang buhay ng matagpuan ang katawan ng isang lolo matapos magpatiwakal kahapon, ika-12 ng Hunyo, sa Purok 3 Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Condino, 63-anyos, tubong Taguig City, at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.

Watch more balita here: HALOS 300K NA PONDO, INILAAN PARA SA STREET LIGHTS


Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang nagwawalis sa kanilang bakuran si Joy Linsangan nang makarinig ito ng sigaw mula sa kanyang mga kapit bahay na nagbigti ang biktima sa kanilang garahe.

Samantala, sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa PNP Cauayan, wala umanong napagkwentuhan ang biktima hinggil sa kanyang mga nararamdaman o pinagdadaanan sa buhay kaya naman walang nakakaalam kung ano ang rason sa pagpapatiwakal nito.

Facebook Comments