Isang Caretaker ng Farm, Patay nang Makuryente!

Iguig, Cagayan – Isang lalaki na tagapangalaga ng sakahan ang nakuryente sa Brgy. Salamague, Iguig, Cagayan kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Bryan Cuntapay, 23 anyos at residente ng Brgy. Atulu, Iguig, Cagayan.

Batay sa inpormasiyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, inutusan si Cuntapay upang linisin at putulan ng mga sanga ang isang punong kahoy ngunit hindi napansin ng biktima ang nakasayad na live wire sa nakapitang sanga ng puno na naging dahilan ng kanyang pagkakakuryente.


Agad namang rumesponde ang BFP Iguig at Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) – Iguig Chapter at naibaba nila ang katawan ng biktima na may bakas ng kanyang pagkakakuryente.

Isinugod pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival (DOA).

Facebook Comments