Manila, Philippines – Itinalaga ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang 14 Technical Vocational and Educational Training (TVET) career ambassadors na magbibigay inspirasyon sa mga kabataan tungkol sa pagpili ng tamang kurso at kasanayan tungo sa maayos at matagumpay na kinabukasan.
Ang nabanggit na mga TVET Career Ambassadors ay maninilbihan mula 2018 hanggang 2019.
Sinabi ni TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong ang mga ambassadors na ito ay magsisilbing role models ng ahensya para i-promote ang Technical Vocational and Educational Training (TVET).
Hihimukin din ng mga ito ang mga kabataan tungkol sa pagpili ng tamang kurso dahil makakatulong ito sa matagumpay na career ng isang mag-aaral.
Piling pili lamang ng TESDA ang mga pinakamagagaling na TVET graduates na karamihan sa kanila ay mga scholars o mga naging matagumpay sa kanilang piniling karera para sa Career Ambassadors Program.