Career diplomat Enrique Manalo, itinalagang kalihim ng DFA

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si career diplomat Enrique Manalo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Papalitan niya sa puwesto si dating DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.

Si Manalo ay naging acting DFA secretary mula March 9 hanggang May 17, 2017 matapos na bigong makumpirma ng Commission on Appointments si Perfecto Yasay bilang kalihim ng ahensya.


Nagretiro si Manalo sa Foreign Services noong 2018 at nagsilbing Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York sa ilalim ng administrasyong Duterte mula 2020 hanggang June 30, 2022.

Top diplomat din siya ng bansa sa United Kingdom mula October 2011 hanggang March 2016 bago pinabalik sa Manila para magsilbing Undersecretary for Policy noong Abril 2016.

Nagsilbi rin siyang non-resident envoy sa Ireland, ambassador sa Belgium, Luxembourg at pinuno ng Philippine Mission to the European Union noong February 2010 hanggang October 2011.

Naging ambassador rin siya at Permanent Representative to the Philippine Mission to the United Nations at iba pang international organizations sa Geneva mula October 2003 hanggang July 2007.

Naitalaga rin siya sa Philippine Permanent Mission to New York kung saan dalawang beses siyang naging Deputy Permanent Representative at sa Philippine Embassy to Washington DC bilang secretary at consul.

Bago nagsilbi sa Foreign Services, naging research assistant at kalaunan ay naging officer si Manalo sa National Economic and Development Authority.

Facebook Comments