Pinawalang-bisa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibigay ng Career Executive Service (CES) rank sa mga nagtapos ng Master of National Security Administration (MNSA) program ng National Defense College of the Philippines (NDCP).
Batay sa Executive Order No. 63, gagawing synchronize ang standards and procedures sa paggagawad ng CES rank.
Tinukoy sa EO ang nakasaad sa Konstitusyon na ang appointments sa civil service ay dapat naaayon sa merito at pagiging angkop sa posisyon na tutukuyin sa pamamagitan ng competitive examination.
Bago ang kautusan ng pangulo, ang mga nagtapos ng MNSA program ng NDCP na naitatalaga sa CES positions ay binibigyan ng CES rank.
Pero nitong Pebrero, inirekomenda ng Career Executive Service Board (CESB) na bawiin ang polisiyang ito.
Nakapaloob rin sa EO na ang pagpasok sa CES positions ay iaatas ng CESB.
Ang CESB ang magtatakda ng mga patakaran, pamantayan at pamamaraan ng pagpili, classification, kompensasyon at career development ng mga miyembro ng CES.