Manila, Philippines – Focus daw muna sa kaniyang career ang aktres na si Erich Gonzales sa kabila ng lumalabas na chika na may isang gwapo, matalino, at mayamang binata ang nanliligaw ngayon sa kaniya.
Sinasabing gumagamit pa nga raw ng private plane ang binata sa tuwing dumadalaw sa Kapamilya actress kung saan ang source ng balita ay ang kaibigan mismo ni Erich na si Kris Aquino.
Magkaganoon pa man, muling iginiit ni Erich na hindi daw siya nag-e-entertain ng manliligaw dahil nakatuon ang kaniyang pansin sa trabaho at kung kaya daw maghintay ng mga suitors ay hindi niya ito pipigilan.
Say pa ng aktres, hindi naman daw niya kailangan magmadali dahil naniniwala siya na darating din naman ang “The Right One” sa tamang panahon.
Facebook Comments