CAREER MUNA | Jennylyn Mercado, wala pang balak na magpakasal

Showbiz – Kahit na marami sa mga local celebrities ang lumalagay na sa tahimik, hindi pa din daw iniisip ngayon ni Jennylyn Mercado ang pagpapakasal.

Ayon sa actress, nakatuon ang kaniyang atensyon sa showbiz career kung saan matatagalan pa ang plano nitong magpatali at kung sakali ay sa kasalukuyang boyfriend nito na si Dennis Trillo.

Nabatid na unang naghiwalay ang dalawa noong 2011 pero muling nagkabalikan noong nakaraang taon.


Sa ngayon ay nais lamang niyang tapusin ang mga hindi pa natatapos na achievement sa buhay habang 100% din daw siyang gumagabay sa anak nila ng aktor na si Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Facebook Comments