Career Service Exams sa Iligan City sa August 6, sinuspinde ng Civil Service Commission

Iligan City – Sinuspinde ng Civil Service Commission (CSC) ang Career Service Exams sa Iligan City sa August 6.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi City.

Sa abiso ng CSC, parehong suspendido ang professional at sub-professional level ng exam.


Nabatid na karamihan sa mga kukuha sana ng career service exam ay taga-Marawi.

Mag-aanunsyo na lang ang komisyon kung kailang gagawin ang pagsusulit.

Facebook Comments