Caregivers Welfare and Protection Bill, tatalakayin na rin sa Kamara

Tatalakayin na sa plenaryo ng Kamara ang panukala para sa pagbibigay proteksyon sa mga caregivers.

Inaprubahan na sa House Committee on Labor and Employment ang panukala para sa welfare at protection ng mga caregivers dito man sa bansa o sa abroad.

Nakasaad sa panukala ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga caregivers sa national development ng bansa.


Magkakaroon na rin ng mahigpit na polisiya sa mga private employment agencies PEA na nagha-hire ng mga caregivers sa pamamagitan ng paglilisensya at pag-regulate sa mga ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matiyak na ligtas at legal ang pinapasukang trabaho ng mga caregivers.

Gayundin ay pinatitiyak na makakatanggap ng tamang sahod at nararapat na benepisyo ang mga ito.

Ipinasasailalim din sa pre-employment orientation ang mga caregivers at mga employers gayundin ang pagkakaroon ng kontrata upang malinaw ang karapatan at responsibilidad sa bawat isa.

Facebook Comments