Cargo at delivery trucks, may hiwalay nang linya sa mga checkpoint para mapadali ang pagpasok ng mga pagkain sa Metro Manila

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac na mas mapapabilis na ang pagpasok ng pagkain at agricultural products sa Metro Manila.

Kasunod parin ito ng pinaigting na seguridad kaakibat ng pinatutupad na Enhanced Community Quarantine bunsod ng COVID-19.

Ayon kay General Banac inatasan na ni PNP Chief General Archie Gamboa ang mga myembro ng PNP na nagbabantay sa mga checkpoint na ihiwalay ang linya ng mga cargo at delivery trucks na may kargang pagkain at iba pang agricultural products para mapabilis ang pasok nito sa National Capital Region (NCR).


Paliwanag pa ni General Banac hindi dapat bawalang pumasok ang mga cargo at delivery trucks na may dalang basic goods & prime commodities sa anumang port of entry ng bansa maging sa alinamang expressway.

Sa ngayon, mas nag improve na aniya ang sitwasyon sa mga checkpoint dahil mas kaunti na lamang ang movement ng mga tao maging ang mga pribadong sasakyan ay nabawasan narin.

Nabatid na nagkaloob narin ng libreng sakay ang gobyerno maging ang ilang private companies na exempted sa Enhanced Community Quarantine kung kaya’t wala nang na-stranded na mga empleyado at mga health workers.

Facebook Comments