CARGO BOAT, NALUBOG SA BAYAN NG MACONACON, ISABELA

Cauayan City – Nalubog ng tubig ang isang Cargo Boat sa bahagi ng Sitio Dibol, Brgy. Diana sa bayan ng Maconacon noong ika-4 ng Desyembre matapos na tumaas ang lebel ng tubig dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan matapos na sumailalim sa Orange Rainfall Warning Category ang bayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Bernard Plasos Operations and Warning Officer ng
MDRRMO Maconacon, sinabi nito na nag shelter ang nabanggit na cargo boat sa lugar simula noong bagyong Pepito matapos na hindi makabiyahe pabalik dahil sa Amihan.

Aniya, posibleng noong tumaas ang tubig ilog na kinalalagyan ng bangka ay mayroong tumamang kahoy sa katawan nito na naging dahilan ng kanyang pagkabutas at pagkalubog.


Sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasaktan o nasugatang indibidwal sa pagkalubog ng bangka, at sa ngayon ay may mga taong nagbabantay dito upang masiguro na walang kahoy o kahit anong bagay ang tatama na maaaring makadagdag sa pinsala nito.

Sa ngayon ay tuluy-tuloy rin ang ginagawang monitoring ng kinauukulan sa sitwasyon sa bayan ng Maconacon, at pagbibigay abiso sa publiko kaugnay sa lagay ng panahon.

Facebook Comments