Cargo Driver na Dinakip dahil sa Pagbebenta ng Droga, Kasabwat ng Naarestong STL Employee!

Cauayan City, Isabela- Sinampahan na nang kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang isang cargo driver na nahuli sa drug buy-bust operation sa Brgy. Calaocan, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Wilfredo Serquinia, 45-anyos, may asawa at residente ng Baptista Village, Calao East, Santiago City.

Ayon sa presinto uno ng Santiago City Police Office, napagbentahan ng suspek ng isang pakete ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P2,000.


Nabatid na kasabwat ng STL Employee na nahuli rin sa buybust noong isang araw si Serquinia sa parehong pagbebenta ng iligal na droga.

Taong 2012 nang maaresto ang suspek na si Serquinia sa iligal na droga at nakalaya lamang nitong October 2018.

Facebook Comments