Isang cargo plane ng Ukraine-based company ang nagliyab at bumagsak sa bahagi ng Kavala sa northern Greece.
Galing Serbia patungong Jordan ang Antonov-12 aircraft karga ang 12 toneladang kargamento nang mangyari ang insidente.
Sinasabing nag-request ng emergency landing sa Kavala Airport ang piloto ng eroplano dahil sa engine problem pero hindi na ito umabot pa sa runway.
Makikita sa mga footage na nagliliyab na ang eroplano at sinundan ng malaking pagsabog bago nakalapag.
Ayon sa isang fire brigade official na rumesponde sa lugar, posibleng mapapanganib na gamit ang karga ng eroplano.
Ayon naman sa ilang ulat, walong indibidwal ang sakay sa eroplano.
Iniimbestigahan na rin ng Special Disaster Response Unit ng Greece ang insidente.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ukol dito ang Ukraine, Serbia at Jordan.