Cargo ship na may mga sakay na COVID-19 positive, nasa quarantine anchorage sa Manila Bay

Nilinaw ng Port of Manila at ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nakadaong sa pantalan ng Maynila ang barkong MV Athens Bridge na may sakay na mga COVID-19 positive na tripulante mula India.

Ayon sa PCG, nananatili ang barko sa quarantine anchorage sa Manila Bay na may layong 2 nautical miles o 3.7 kilometers ang puwesto ng barko mula sa dalampasigan ng Maynila.

Sa impormasyon nanan ng Port of Manila, galing ng India ang MV Athens Bridge na Panamanian-flagged na container ship at may sakay na 21 tripulanteng Pilipino.


12 sa mga tripulante ang positibo sa COVID-19 base sa pagsusuring isinagawa nang dumaong sila aa bansang Vietnam bago magtungo ng Pilipinas.

Kinumpirma naman ni Philippine Coast Guard Spokesman Commodore Arman Balilo na nadala na kagabi ang mga kailangang oxygen tanks para sa mga tripulante ng barko.

Kasama ng ng Coast Guard na sumampa sa Athens Bridge ang mga tauhan ng Bureau of Quarantine na ang intensiyon ay alamin ang sitwasyon ng mga tripulante.

Sa ngayon, ang dalawang tripulante na naman na nasa kritikal na kalagayan ay nailipat na sa medical facility kung upang malapatan ng lunas.

Facebook Comments