Manila, Philippines – Nakatandang ilibing ngayong araw si Carl Angelo Arnaiz, ang 19-anyos na napatay sa police operation sa Caloocan City.
Mamayang ala-una ng hapon, ihahatid na sa huling hantungan si Angelo sa Pateros Cemetery.
Sa interview ng RMN kay Carlito Arnaiz – hindi ito nababagalan sa pag-usad ng kaso at pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.
Nabatid ni-relieve muna sa pwesto sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita habang isasampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Dept. of Justice (DOJ) ang kasong murder laban sa mga pulis.
Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang NBI at PNP Internal Affairs Service sa insidente.
Facebook Comments