Carlito Galvez Jr., itinalagang Vaccine Czar ni Pangulong Duterte

Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si COVID-19 National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. bilang Vaccine Czar.

Ang vaccine czar ang mangunguna sa pagbili at distribusyon ng bakuna sa bansa.

Ayon sa Pangulo, pinili niya si Galvez dahil tiwala siya sa kakayahan nito.


Nagpasya na siyang ilahad na ang pangalan ng vaccine czar dahil mahaba pa ang panahong gugugulin ng gobyerno para makabili ng bakuna kung isang komite ang hahawak nito.

Sa isang text message, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Galvez ang itinalaga ng Pangulo bilang vaccine czar.

Sakaling maging available ngayong taon ang bakuna laban sa COVID-19, manghihiram ang gobyerno mula sa LandBank at Development Bank of the Philippines para makabili nito.

Ngunit kung ilalabas ito sa susunod na taon, ang pondo para sa bakuna ay kukunin mula sa ₱4.5 trillion 2021 national budget.

Facebook Comments