Carlo Aquino, inaming na fall-out kay Angelica Panganiban

Diretsahang inamin ng aktor na si Carlo Aquino ang nagawang pagkakamali sa ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Marso nang kinumpirma ni Angelica na nagkausap sila ni Carlo at sinabi ng binata na “umasa daw ang aktres” na magkakabalikan sila.

Say ngayon ni Carlo, sorry kung pinaasa niya si Angelica dahil hindi naman daw niya ito alam.


Aminado rin ang aktor na na-fall-out o nawala na lang bigla ang pagtingin niya sa aktres.

Kaya naman okay lang daw sa kanya at hindi niya masisi ang aktres kung tutol na magkatambal muli sila.

January 2019 nang pumutok sa social media ang insidenteng namataan si Carlo na nagbabakasyon sa La Union kasama ang isang non-showbiz girl.

Ikinagulat iyon ng mga fans dahil magkasama pang nagdiwang ng Pasko sina Carlo at Angelica noong December 2018.

Facebook Comments