Carlo Aquino, umapela sa fans na tigilan na ang kaniyang rumored girlfriend

Umapela ang aktor na si Carlo Aquino sa mga netizens na tigilan na ang pam-ba-bash sa kanyang rumored girlfriend na si Trina Candaza at ibang mga taong malapit sa kanya.

Idinaan ni Carlo ang kaniyang apela sa pamamagitan ng isang Instagram story.

Say ni Carlo, walang may ibang kasalanan sa mga nangyayari kung hindi siya kaya at dapat sa kanya lang ituon ng mga tao ang galit.


Gayunman, hindi naman tinukoy ni Carlo ang umano’y kasalanan niya pero iginiit nito na siya ang nagdesisyon sa isang bagay kaya dapat ay siya ang kagalitan dapat ng netizens.

Naging usap-usapan na may malalim na ugnayan si Candaza at ang aktor matapos lumabas ang ilang larawan ng mga ito na magkasama noong January 2019.

Ito ay sa kabila ng bumuting muling relasyon nina Angelica Panganiban at ng aktor noong 2018.

Facebook Comments