Carlos Yulo at Filipino Olympians, bibigyan ng heroes parade sa Martes

Haharap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at ang iba pang Filipino Olympians sa Malacañang sa darating na Martes, August 13, 2024.

Sasalubungin ng kanilang pamilya ang mga atleta sa Villamor Airbase sa Martes ng hapon.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bibigyan ng heroes parade ang mga atleta na magsisimula sa PICC sa Pasay City kung saan babagtasin ang ilang lugar sa Maynila at magtatapos sa Malacañang.


Pagdating sa Malacañang, sasalubungin ni Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at First Family ang mga atleta kung saan bibigyan sila ng parangal at insentibo para sa kanilang kontribusyon sa Philippine sports at naging performance sa 2024 Paris Olympics.

Facebook Comments