Carlos Yulo, may aasahang hiwalay na reward sa Malacañang -PBBM

May aasahang hiwalay na reward si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo mula sa Malacañang.

Sa ambush interview sa Pampanga, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na deserve ni Yulo ang lahat nang pwedeng ialok ng sinuman para sa kanya.

Gayunpaman, hindi binanggit ng pangulo kung anong ibibigay kay Yulo dahil marami na raw itong makukuha sa gobyerno at sa pribadong sektor.


Pero sabi ni PBBM, kapag nagkita sila ay itatanong daw niya sa atleta kung ano pa ang maitutulong ng pamahalaan para mas dumami pa ang mag-uwi ng Olympic medal sa bansa.

Naniniwala aniya siyang importante kay Yulo na matutukan ang kapakanan ng mga kapwa atleta.

Facebook Comments