Carlos Yulo, muling nakatanggap ng ₱5-M reward sa isang media event dahil sa karangalang naiuwi sa katatapos na Paris Olympics

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng blessings kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sa pagkakataong ito, nagkaloob din ang Digiplus at Arena Plus ng ₱5 million kay Yulo.

Sa isinagawang media event sa Gateway Cinema 11 na tinawag na “Astig ka, Carlos”, nagkaroon ng pagkakataon ang publiko na personal na mabati at mabigyang parangal si Yulo.


Sinimulan ang programa ng isang audio-video presentation na nagpapakita sa makapigil hiningang winning moments sa men’s pole vault at men’s floor artistic gymnastics ni Yulo.

Ayon Kay Digiplus Chairman Eusebio Tanco, ang pagkapanalo ni Yulo ay hindi lang personal na tagumpay.

Ito aniya ay magsisilbing liwanag ng pag-asa at posibilidad para sa bawat Pilipinong atleta na mag-iwan ng marka sa international stage.

Matapos tanggapin ang cash gift at plaque, nagbigay ng mensahe si Yulo tungkol sa kaniyang paglalakbay sa mundo ng sports at sa saya sa pagkamit ng kaniyang mga pangarap.

Facebook Comments