Carlos Yulo, Nesthy Petecio at Aira Villegas, binigyang pagkilala at cash incentive ng Senado

Ginawaran ng Senado ng pagkilala at cash incentives ang mga Olympians na naguwi ng medalya para sa bansa sa katatapos lang na 2024 Paris Olympics.

Sa sesyon ng Senado ay doon iginawad ang Medal of Excellence sa tinagurian ngayon na golden boy na si Carlos Yulo na nagkamit ng dalawang gintong medalya gayundin ang mga bronze medalist na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Binigyan din ng mga senador si Yulo ng P3 million habang tig P1 million naman sina Petecio at Villegas.


Piagkalooban naman ng plaque ang iba pang kasapi ng Team Philippines.

Pinagtibay din ang resolusyon ng papuri at pagpupugay ng Senado sa Olympic Committee, Philippine Sports Commission, at sa buong Philippine delegation para sa makasaysayan at matagumpay na kampanya ng bansa para sa Paris Olympics.

Facebook Comments