Pumalo sa 402,000 na sasakyan ang dumaan sa EDSA kahapon.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – hindi pa maituturing na ‘carmageddon’ ang nangyari kahapon dahil kahit papaano ay umuusad ang daloy ng trapiko.
Dagdag pa ni Garcia – sobrang makapal ang volume ng sasakyan sa EDSA dahil lagpas na ito sa kapasidad ng kalsada na nasa 200,000 lamang.
Bumagal din aniya sa 14 kilometro kada oras ang daloy ng trapiko sa EDSA mula sa karaniwang 19 kilometro bawat oras.
Patuloy ang pagsisikap ng MMDA na kahit paano ay gumalaw ang trapiko sa mga pangunahing lansangan.
Inaasahang marami pa rin ang uuwi sa mga probinsya para ipagdiwang ang Pasko ngayong weekend.
Facebook Comments