Upang maiiwas ang mamamayan ng bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato na mabiktima ng ano mang uri ng kriminalidad at maging mas maging vigilante kontra kriminalidad, isinasagawa ng kapulisan ng Carmen Municipal Police Station (MPS) ang “Oplan Yaw-yaw” o Recorida.
Kamakalawa nang magsagawa muli ng “Oplan Yaw-yaw” ang Carmen-PNP sa pangunguna si PO1 Wilmae P Macaya, Assistant Police Community Relations (PCR) Police Non-Commissioned Officer (PNCO) ng Carmen MPS.
Ang “Oplan Yaw-yaw” ay isinasagawa sa mga pampulokong lugar tulad ng pamilihang bayan ng Carmen at Carmen Garden Terminal.
Dito ay ipinababatid ng kapulisan sa mamayan ang Ordinance no. 2015-02 o ang anti- smoking ordinance ng bayan, inaaangat din ang kamalayan ng mga residente kaugnay ng mga pampasabog o bomba at kung paano mapigilan ang kapinsalaan na posibleng idudulot nito sa buhay ng tao, pinaalalahanan din ang lahat tungkol sa Traffic Rules at ang hinggil sa “Katok sa Pagbabago Mula sa Puso” Katok at Pakiusap Towards a drug Free Philippines ng gobyerno.
Ang isinagawang “Oplan Yaw-yaw” ay bahagi din ng mga “LIGTAS SUMVAC 2018” at ng pagsisikap ng Carmen PNP na matiyak ang seguridad ng bayan sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections.(photo credit:CARMEN-PNP)
Carmen MPS, nagsagawa ng “oplan yaw-yaw”!
Facebook Comments