Carnap na kotse, natagpuan ng QCPD sa parking lot ng Quezon City Hall

Quezon City – Narekober ng Quezon City Police District ang isang reported ‘carnapped’ na Kia Sorento sa mismong parking lot ng Quezon City Hall of Justice sa compound ng Quezon City Hall.

Ang kulay brown na Sorento na may plakang aha-4287 na pagmamay-ari ng isang kumpanya ay iniulat sa QCPD Anti-Carnapping Unit (ANCAR) na nawawala mula pa noong July 24, 2017.

Ayon kay QCPD public information head, PCI Titoy Jay Cuden, isang Fernando Correa 48-anyos na driver at residente ng Norzagaray Bulacan ang nahuling may hawak ng sasakyan nang ito ay matagpuan kanina.


Pero katwiran ni Correa sa mga otoridad, driver lamang siya ng dayuhang si Hong Gun Pyo na mayroong nilalakad sa hall of justice.

Matapos ang ilang oras na paghihintay at paghahanap, mukhang nakatunog ang dayuhan at hindi na nagpakita pa at nakatakas.

Batay sa record ng QCPD-ANCAR, si Gun Pyo ang inireport na tumangay ng nabanggit na sasakyan kayat pinaghahanap na ito ng mga otoridad.

Facebook Comments