CARNAPPER, TAGUMPAY NA NADAKIP NG MGA AWTORIDAD

Cauayan City – Nagsanib-pwersa ang mga miyembro ng kapulisan mula sa Mallig Police Station at Mapanas Police Station upang madakip ang isang lalaking carnapper sa Brgy. Naparasan, Mapanas, Northern Samar.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Kokoy”, itinuturing na Top 1 Municipal Most Wanted Person at nahaharap sa kasong New Anti-Carnapping Law.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa kanya kung saan P300,000 ang halaga ng piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Matapos ang matagumpay na pagkakadakip, kaagad na dinala sa himpilan ng Mallig PS ang suspek para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments