“Caroling ban” ngayong panahon ng Kapaskuhan, suportado ng JTF COVID Shield

Suportado ng Joint Task Force COVID Shield ang mungkahing i-ban ang pangangaroling ngayong Christmas season dahil sa posibleng panganib ng COVID-19 sa mga bata.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, nauunawaan niya na bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino ang pangangaroling.

Pero aniya, iba ang sitwasyon ngayon lalo na at nahaharap pa rin sa seryosong banta ng COVID-19 ang bansa.


Maging ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Task Force on COVID-19 Vice Chairman Eduardo Año ay suportado rin ang caroling ban.

Sa ngayon, hinihintay na lang ng JTF COVID Shield ang desisyon ukol dito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pero kahit wala pang inilalabas na desisyon ay nakipag-usap na si Eleazar kay Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan para atasan ang mga police commanders na makipagtulungan sa kanilang respective local governments para sa posibleng pagpapatupad ng caroling ban.

Facebook Comments