Muling pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil hinayaan lamang ng China na okupahin ang ilang mga isla sa West Philippine Sea.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, muling iginiit ni Pangulong Duterte na nangyari anbg pag-ookupa ng China noong Aquino Administration.
Tanong ni Pangulong Duterte sa dalawa kung bakit nawala ang West Philippine Sea sa Pilipinas lalo na at sila aniya ang forefront ng Arbitral Case ng Pilipinas laban sa China na napanalunan noong 2016.
Kinuwestyon ng Pangulo kung bakit hinayaan lamang umatras ang pwede ng Pilipinas sa West Philippine Sea gayung sinasabi ni Del Rosario na hindi aalis ang mga barko ng Pilipinas sa lugar.
Para naman kay Carpio, tinanong ni siya ni Pangulong Duterte kung bakit hindi niya sinabihan si dating Pangulong Noynoy Aquino na gumawa ng paraan pero halip ay umatras ang bansa.
Bagama’t nanalo ang Pilipinas sa Arbitral Tribuna, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi susunod ang China rito.