Hinikayat ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pamahalaang Pilipinas na dalhin na sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) ang huling insidente ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Justice Carpio, ito lamang ang legal na hakbang na maaaring gawin ng Pilipinas upang pigilan ang China sa sunod-sunod na pangha-harass.
Ang UNCLOS lamang daw ang tamang venue upang igiit ng Pilipinas ang kanyang soberenya laban sa China.
Hindi rin daw dapat maduwag ang ating bansa dahil nakikita ng international community kung papaanong harassment ang ginagawa ng mga Tsino sa West Philippine Sea.
Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs na mahigit 100 diplomatic protest na ang na isampa ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa China dahil sa mga mararahas na aksyon nito laban sa mga sasakyan pandagat ng bansa.