Tinanggap ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang hamong debate sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Kasabay nito, hinamon din ni Carpio ang Pangulo na tuparin ang sinabi niyang siya ay agad na magbibitiw.
Ito ay oras na mapatunayang nagsisinungaling ang Pangulo nang sabihin niyang sangkot si Carpio sa desisyong paalisin ang mga barko ng Philippine Navy sa WPS noong 2012 Scarborough standoff.
Sa kanyang pre-recorded briefing kagabi, tinawag ni Pangulong Duterte si Carpio na “ugok” sa paggigiit sa 2016 arbitral tribunal ruling na aniya’y isa lamang “papel”.
Facebook Comments