Carpio, nagbabala sa gobyerno kapag isinantabi ang arbitral ruling

Nagbabala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung gaano mapanganib ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang arbitral ruling na nagpapawalang bisa sa nine-dash line claim ng China.

Ito ay para matuloy ang joint oil and gas exploration ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio – sa ilalim ng international law, pwedeng maging bindin ang pahayag ng Pangulo.


Ang pagsasantabi ay katumbas ng pag-aabandona at pagbaligtad sa ruling ng Hague tribunal.

Giit ng mahistrado, sa ilalim ng batas ng Pilipinas ay hindi awtorisado ang Pangulo na gawin ito.

Pero bilang chief architect ng foreign policy ng bansa, may kakayahan ang Pangulo na igiit ang arbitral ruling o pwede ring isantabi kung kailan nito gusto.

Mabuti na lamang ay nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi inaabandona o isinasantabi ng Pilipinas ang arbitral ruling para sa gagawing joint exploration bago pa man tanggapin ng China ang unilateral declaration ng Pangulo.

Facebook Comments