‘Carrier-centric’ approach, gagamitin ang NTF gagamitin upang pigilan ang COVID-19

Gagamitin na ng National Task Force (NTF) ang istratehiyang ‘carrier-centric’ approach para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., sa ilalim ng ‘carrier-centric’ approach, tutukuyin at ihihiwalay ang pasyente na magpapakita ng sintomas ng COVID-19 upang gamutin.

Sinabi ni Galvez na ang isang infected na indibidwal ay banta sa publiko lalo na kung ito ay pagala-gala pa at hindi naka-isolate.


Aniya, walang ibang paraan ng mabilisang pag-detect ng potential COVID-19 carriers kundi ang pagsasagawa ng malawakang testing ng mga person under investigation (PUIs) at person under monitoring (PUMs).

Pero, dapat pa rin naman, aniyang, panatilihin ang epektibong contact tracing at pagpapairal ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Hinimok ng task force ang mga Local Government Units (LGUs) na magtatag ng sariling quarantine center sa pamamagitan ng mga gymnasium at mga pasilidad ng mga unibersidad at pamantasan upang maasikaso ang mga PUIs at PUMs.

Facebook Comments