Carwash Attendant patay sa pamamaril sa Makilala

Napaslang ang isang 37-anyos na Carwash Attendant makaraang mabaril sa dibdib at tiyan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa National Highway ng Purok Talisay, Barangay Malasila sa bayan ng Makilala nitong August 12 taong kasalukuyan.

Base sa Police Report, nakatanggap sila ng tawag patungkol dito bandang alas dyes ng gabi parehang araw. Agad naman silang tumungo sa Makilala Midway Hospital kung saan tinakbo ang biktima at sa kalapit na lugar na posibleng pinagmulan ng suspek. Ito ay pinangunahan nina PO1 Clark Bayas at ang grupo naman ni PO3 Glen Padasas.

Pinaniniwalaan namang mayroong ng dating alitan ang ang mga suspek at biktima na dating drug surrenderer
Dalawang tama sa kanyang dibdib ang natamo ng biktima resulta ng kanyang kamatayan( Jessa Fuentes, ndu bacom4)


GOOGLE PIC

Facebook Comments