CASA REAL SA PANGASINAN O ANG NATATANGING SPANISH PROVINCIAL CAPITOL SA BUONG BANSA, PINASINAYAAN

PINASINAYAAN ang Casa Real o ang natatanging Spanish Provincial Capitol sa buong bansa ngayong araw, ika 22 ng Hunyo sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Personal na dinaluhan ni Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at ni Pangasinan Governor Amado I Espino III ang inagurasyon ng dalawang palapag na gusali sa Brgy. Poblacion Lingayen.

Idineklara taong 2002 itong National Historical Landmark at ang ilang parte nito ay nasira dulot ng Super Typhoon Cosme taong 2008.


Taong 2016 ng pormal na simulan ang restoration project nito na pinondohan ng limang milyong piso sa unang phase.

Sa ikalawang phase ng restoration ay umabot ng 30 million para sa architectural works nito at 33 million para sa finalization site development o ang ikatlo at panghuling phase ng restoration project.

Ayon kay Governor Espino, ngayon pa lamang nanawagan na ito sa DOT ng tulong upang mapanatili ang ganda at seguridad ng Casa Real na isa sa mga maipagmamalaking atraksyon hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa na pormal na itinurn over ang pangangalaga nito sa Provincial Government.

Pinuri naman ni DOT Secretary Puyat ang mga hakbang ng lalawigan sa pagbangon at pagtulong ng mga ito sa mga apektadong manggagawa sa sektor ng turismo.
Samantala, inaasahan na bubuksan sa publiko ang Casa Real oras na matapos din ang paglilipat ng Provincial Jail.

Facebook Comments