Case build ng PNP laban kay Iloilo City Mayor Mabilog, tuloy

Manila, Philippines – Ikinakasa pa rin ang Phil. National Police ang pagsasagawa ng case build up laban kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinapa-background check nya na sa National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration si Mayor Mabilog.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi inutos sa PNP ang mag-background check sa alkalde pero nagsasagawa sila ng case build up laban ditto.


Ito ay para makumpirma kung sya ay totoong sangkot sa transaksyon ng iligal na droga sa Iloilo.

Sakali namang maging positibo si Mabilog sa ginawagang case build up ng PNP ay maghihintay na lamang silang maglabas ng warrant of arrest ang korte para tuluyang maaresto si Mayor Mabilog.

Matatandaang si Mayor Mabilog ay kasama sa listahang ng narco politicians ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments