CASE BUILD UP | Nailigtas na kidnap victim ng PNP sa Quezon, sangkot sa droga – PNP

Manila, Philippines – Magsasagawa ng case build-up ang Philippine National Police (PNP) laban kay Renato Arguelles, ang biktima ng kidnapping sa Quezon na nailigtas ng mga operatiba ng PNP Anti Kidnapping Group matapos ang engkwento sa San Pablo, Laguna kaninang umaga.

Sa isinagawa Press Briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na isang high value target si Arguelles na isinasagkot sa droga sa Quezon.

Aniya, sa ngayon, itinuturing muna bilang biktima ng pagdukot si Arguelles pero kapag natapos na ang imbestigasyon ay isasailalim na ito sa case build up.


Natukoy ng PNP na tatlong beses nang naaresto si Arguelles dahil sa droga pero palagiang nakakalabas ng kulungan.

Sa isinagawang rescue operation ng PNP-AKG, 5 hinihinalang kidnapper at isang policewoman ang nasawi matapos makasagupa ang mga nasawing suspek sa San Pablo, Laguna.

Sinabi naman ni PNP-AKG Dir. Sr. Supt. Glenn Dumlao, na patuloy ang imbestigasyon sa kaso at kasama sa ini imbestigahan ang anggulong may kaugnayan sa iligal na droga ang pagdukot sa biktima dahil nagpanggap bilang mga PDEA Agent ang mga nasawing hinihinalang mga kidnaper.

Facebook Comments