CASE CLOSED | Pagpatay sa mag-ina sa Cavite, naresolba na

Cavite City – Tinuturing ng case closed ng Cavite PNP ang pagpatay sa mag-ina ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa General Trias halos isang buwan na ang nakakaraan.

Una nang sumuko sa Eastern Samar Police si Ruel Galban Cabatingan matapos aminin ang kaniyang pagpatay kina Ruby Gamos at pitong taong gulang nitong anak na si Shaniah Nicole.

Ayon kay CALABARZON Police Chief Superintended Mao Aplasca, malaking tulong ang kanilang ginawang research sa social media para mabuo ang kuwento.


Doon kasi nalaman na may relasyon sina Gamos at Cabatingan.

Sa tulong ng isang abugado mula sa Integrated Bar of the Philippines o IBP, kinuhaan ng extra judicial confession si Cabatingan at sasailalim rin siya sa drug testing.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaslang dahil wala pang sinumpaang salaysay ang suspek.

Kinasuhan na ng two counts of murder at adultery si Cabatingan.

Facebook Comments