CASE CONFERENCE KAUGNAY SA PAMAMARIL SA MAG ASAWA NA IKINAMATAY NG GINANG SA URBIZTONDO, ISASAGAWA

Magsasagawa ng Case Conference ang mga kapulisan kaugnay sa pamamaril sa isang mag asawa na ikinamatay ng ginang sa bayan ng Urbiztondo.
Ito ay upang makatulong sa mas mabilis na pagkakaresolba ng nasabing kaso.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Urbiztondo PNP Chief of Police Major Allan Abuan, hanggang sa ngayon kasi ay patuloy pa din ang pagkalap nila ng impormasyon kaugnay dito at wala pa ding nabubuong motibo sa insidente.

Wala kasi ayon sa hepe na nababanggit ang mag asawa sa kanilang mga kaanak na naka away nila nitong nakalipas na posibleng maging dahilan ng pagpatay sa mga ito.
Bagamat Dead on Arrival sa pagamutan ang ginang, umaasa naman si hepe na makakarecover ang mister nito na posibleng makatulong sa kaso sakaling makausap nila ito.
May dalawa naman anila na saksi sa insidente subalit dahil sa madilim sa lugar ng crime scene ay magdedepende sila sa mga kuha ng CCTV bago ang naganap na pamamaril. |ifmnews
Facebook Comments