Case disposition rate ng Korte Suprema at mga lower courts, apektado rin ng COVID-19 pandemic

37

Aminado ang Hudikatura na bumaba ang rate ng kanilang case disposition target dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa budget presentation ng Judiciary, mula sa 41% na case disposition ng Korte Suprema noong 2019, bumaba ito sa 39% ngayong 2020 at 34% na lamang sa 2021.

Habang sa case dispositions sa mga metropolitan trial courts, mula 70% noong 2019 ay bumaba ito ng 62% para sa 2021.

Paliwanag ni Court Administrator Midas Marquez, sa mga early stages ng COVID-19 pandemic ay kinakailangan nilang isara ang mga korte at wala pa rin silang facilities para sa online hearing ng mga panahon na iyon.

Bukod dito, ikinukonsidera rin ng Judiciary ang epekto ng COVID-19 sa pagdinig ng mga kaso kaya nila ibinaba ang target case disposition para sa 2021.

Sa kabila nito, ay tiniyak naman ng Hudikatura na tuloy-tuloy ang training ng kanilang mga judge at clerks of court para sa paggamit ng E-courts platform.

Partikular namang tututukan ang mga korte na may malalaking case loads tulad ng NCR at key cities sa Visayas at Mindanao.




Facebook Comments