Case doubling time sa death rates ng COVID-19 sa bansa, pinapaayos ng isang kongresista

Kinalampag ni Marikina Representative Stella Quimbo ang Department of Health (DOH) na ayusin ang datos partikular sa case doubling time ng mga namamatay sa COVID-19.

Sa virtual hearing ng Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee, Health at COVID-19 Response Cluster, sinita ni Quimbo ang computation ng DOH sa death cases matapos magtala ng 162 deaths noong July 12, 2020, na siyang pinakamataas na bilang ng nasawi sa loob ng isang araw.

Hindi kumbinsido si Quimbo sa inilahad ng DOH na 8.2 days ang case doubling time sa bansa.


Punto ng mambabatas, kung noong July 13, 2020 ay nasa 57,000 ang positive cases, dapat ay nasa kalahati lamang o halos 28,500 ang bilang ng kaso noong July 5, 2020 o walong araw ang nakalipas, ngunit ito ay pumalo ng hanggang halos 42,000.

Paliwanag naman ni DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman, ang naturang pagtaas sa death rate ay bunsod ng pagkakasama ng validated cases na mula pa noong Marso.

Bunsod naman nito ay pinaaaral ni Quimbo sa DOH na magdagdag ng data encoders upang mahabol na ang mga backlog sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments