Case folder, handa na para sa pagsasampa ng kasong murder laban sa mga personalidad na dawit sa pagpatay kay Barayuga, kabilang si Garma

Nakahanda na ang case folder ayon sa Philippine National Police (PNP) para sa pagsasampa ng reklamong murder sa mga personalidad na may kinalaman sa pagpatay kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretray Wesley Barayuga.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brigadier General Jean Fajardo, kabilang sa mga personalidad na kakasuhan ay ang mga natukoy sa pagdinig ng House Quad Committee.

Kabilang si retired Police Colonel at dating PCSO chief Royina Garma, dating National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo, PLtCol. Santi Mendoza, Nelson Mariano, at Sergeant Jeremy Causapin alyas Toks, at ilang John Does at Jane Does.


Kasunod nito, naniniwala ang PNP na bukod sa testimonya ni Mendoza, may karagdagang ebidensiyang magbibigay-linaw sa kaso ng pagpatay kay Barayuga.

Facebook Comments