CASE MANAGERS, SUMAILALIM SA PAGSASANAY NG DSWD FIELD OFFICE 2

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa iba’t ibang pagsasanay ang mga Case Managers sa buong Rehiyon Dos.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang naturang pagsasanay bilang pagpapabuti sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kabilang sa pagsasanay ay ang Compliance Verification Web and Mobile Applications, Basic Social Work Counseling, and Livelihood Development and Sustainability sa ilalim ng Kilos-Unlad Framework ng programa.


Samantala, nakatakda ring magsagawa ng pagsasanay ang Kagawaran para sa mga Civil Society Organization partners upang mas lumalim pa ang pagkakaunawa sa nabanggit na programa.

Facebook Comments