Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na ang cash advances ng PhilHealth sa maternity clinics at dialysis centers sa ilalim ng kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ay ilegal.
Ito ang isa sa mga tinanong ni Senator Panfilo Lacson na siyang Vice Chairperson ng Senate Committee of the Whole sa kalihim.
Binanggit ni Lacson ang depinisyon ng PhilHealth sa Circular 2020-2007 na ang IRM ay para sa “fotuitous events” lamang.
Ang dialysis center at maternity care ay nakapaloob sa regular benefit claims ng PhilHealth.
Ayon kay Duque, ilegal para sa B. Braun Avitum na magbigay cash advances sa ilalim ng IRM.
Nangako ang kalihim na itatama ito bilang Ex-Officio Chairman ng PhilHealth.
Facebook Comments