Aprubado na ng Department of Agriculture (DA) sa Western Visayas ang P474.7 million na alokasyon para sa Financial Subsidy for Rice Farmers (FSRF).
Dahil dito, asahan nang makakatanggap ng tig 5,000 one-time cash aid ang 94,953 rice growers mula sa lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz at Negros Occidental.
Ayon kay Regional Technical Director for Operations and Extension Rene Famoso, ang cash grant ay suporta sa mga farmers na lubhang naapektuhan ng Rice Tariffication Law.
Maaari nila itong ipambili ng farm inputs at iba pang pangangailangan.
Una nang nakapamahagi ng cash subsidy ang DA sa 24,342 magsasaka hanggang Marso 10, 2020.
Nabigyan na rin pati na ang 3,641 magsasaka na unang nakapag-avail ng P15,000 Survival and Recovery (SURE) Aid Loan noong nakalipas na taon.