Makakatanggap ng tig-₱10,000 cash assistance mula sa pamahalaan ang 347 repatriated Filipinos mula sa Saudi Arabia sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Duterte na inatasan niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gamitin ang pondo sa Bayanihan 2 para bigyan ang mga repatriated OFWs ng reintegration financial assistance.
Ang mga repatriated Filipinos ay lulan ng Philippine Airlines chartered flight bilang bahagi ng government repatriation mission mula Saudi Arabia.
Isa pang repatriation flight ang inaayos para sa susunod na linggo.
Mula nang magsimula nag pandemya sa Pilipinas noong nakaraang taon, ang pamahalaan ay nakapagpauwi na ng 403,234 Filipino workers, kabilang ang 105,582 seafarers.