Nakatakda ng ibigay ng Department of Education ang P5,000 cash allowance ng mga guro para sa school year 2021-2022.
Ito’y upang makatulong sa mga gastusin at mga pangangailangn ng mga guro ngayong panahon ng pandemya.
Batay sa joint circular ng DepEd at Department of Budget and Management (DBM), ang matatanggap na P5,000 cash allowance ay para sa teaching supplies, pangangailangan sa gagamiting modes of learnings, internet at communication expenses.
Kasama na rin dito ang panggastos sa taunang medical examination.
Noong nakaraang taon ay nasa P3,500 ang cash allowance pero ginawang P5,000 ngayong school year.
Ayon kay Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, mahalaga na maitakda kung kailan ang susunod na pagbubukas ng school year calendar upang maihanda ang cash allowance.