CASH ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA ILANG SENIOR CITIZENS SA CAUAYAN

Cauayan City – Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan ng cash assistance para sa mga senior citizens sa lungsod.

Sa pangunguna ng City Administrator na si Ms. Czarah Jane Dy, personal na iniaabot sa mga senior citizens ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000.

Ang mga benipesyaryong nakatanggap ay ang mga qualified beneficiaries na naabot na ang edad sa 90 pataas.


Ngayong buwan ng Hunyo ay labingtatlong mga lolo at lola mula sa lungsod ang nakatanggap ng naturang pinansyal.

Samantala, nakuha naman ng mga benipesyaryong hindi nakadalo sa programa ang tulong na para sa kanila sa Office of the Senior Citizens Affairs Office.

Facebook Comments