Cash assistance, isa lamang “stop-gap” measure – Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na maaaring maghanap ang pamahalaan ng pondo para magbigay ng financial assistance sa mga mahihirap, pero isa lamang itong “stop-gap” measure.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos mabatikos dahil sa nauna nitong pahayag na hindi na magbibigay pa ng paayuda ang gobyerno sa mga maaapektuhan ng mahigpit na quarantine measures sa NCR-plus.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ayuda ay hindi magiging sapat at hindi pwede itong pamalit sa trabaho at kabuhayan ng mga mamamayan.


Ang mga local government units (LGUs) na aniya ang nagbibigay ng cash assistance sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.

Dagdag pa ni Roque, ang general community quarantine (GCQ) bubble ay magtatagal lamang ng April 4 at hindi ito lockdown dahil nananatili pa ring bukas ang mga negosyo.

Nais lamang ng pamahalaan na mapaliit ang nawawalang kita ng bansa dahil sa pagpapasara sa ilang industriya.

Facebook Comments