CASH ASSISTANCE | PAO Chief Persida Acosta, ibinunyag na binayaran ng DOH ang ilang magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na binayaran ng Department of Health (DOH) ang ilan sa magulang ng mga batang namatay matapos turukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Acosta, ito kasunod ng pag-atras ng ilang mga magulang sa kaso ng anti-dengue vaccine.

Aniya, aabot sa P50,000 ang ibinayad sa ilang magulang bilang cash assistance.


Pinapirma rin aniya ng DOH ang mga magulang na binayaran nito kaya at duda siyang cash assistance lamang ang nais ibigay ng kagawaran.

Kasabay nito, hinimok naman ni Acosta ang ilang magulang na huwag tanggapin ang alok na pera ng DOH para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga namatay na anak.

Facebook Comments